Sa Bawa’t Higop, May Hugot - 2

 


Sa Bawa’t Higop, 

May Hugot - 2

(Mga pira-pirasong pagninilay kadamay ang isang tasang kape)

 

·        Sa muling pagniniig

Ng araw sa kanluran

Talikdan ang nakaraan

Sanhi ng dusa’t luha

Sa dilim ng gabi

Isaboy ang hinagpis

At sa pagsapit ng umaga

Liwanag sa Silangan

Ligaya sa kanlungan

Ng bagong sinisinta

Yakap at hali

Damhin ang pag-ibig

Lasa, mahal kita

·        Ang nakaraa'y lumipas na.

Ang sa ngayo'y naghihintay ang bukas.

Kanlungan ng pag-asa

Ngiti't tuwa, ibayong ligaya.

 

·        mailap ang pagtulog

sa gabing maulan

bagama't malamig

ang hanging dulot

ay pag-alala sa nakaraang

namaalam at lumipas

may ngiti sa labi

sa bukas na naghihintay

sa panibagong buhay

at pag-ibig sa iyo

o lasa, ang kasagutan

sa dalanging inaasam

 

·        Hindi makatulog

Hindi naman nananaghoy

Ang pusong lumilimot

Sa nakaraang pag-irog

 

·        Kung hindi sana bumitaw

May pag-asang naghihintay

Sa kabilang ibayo ng bayan

Doon dapat isasakatuparan

Ang bukas na pinangarap

Ngunit dahil sa paglisan

Kasabay ng paglubog ng araw sa kanluran

Nilimot na ang mga pangarap

Yakap ang panaghoy ng dilim

At pamamaalam

Saan ang silangan?

 

·        "Noong ako'y nabubuhay pa,

iniwan mo ako ng walang pasabi

tapos umiiyak sa aking pagpanaw?

Sayang na mga luha."

 

·        Paalam. Lasa, ito ako, ngayon.

 

·        Yakap ko’ng katahimikan ng gabi

Kaluluwa ko’y nahihimlay sa labi ng dilim

Upang sa panaginip maging manhid sa sakit

Ramdam ng puso’t damdaming sadyang mapait

At sa kinabukasang paggising ng diwa

Sa bagong umaga’s sisilay ang pag-asa

 

·        Ang katahimikan ba’y pag-iwas sa katotohanan

Dulot ay takot, lumbay, at pagluha?

 

·        Di ko alam bakit nagbago ka. Sige lang. Lahat naman tayo may kalayaang pumili ng gusto natin at ayawan ang hindi.

 

·        Natuyuan na ako ng luha

          Kahit sa pag-iyak, ako’y napagod na.

Bagama’t ramdam ang sakit ay pilit pa ring umasa.

Nguni’t sadyang ayaw mo na –

Hindi mo ipinaglaban, dahil ‘di nararapat?

Tahimik kang lumayo; wala man lang paalam.

 



 

Kaalamanan sa larawan:

 

- https://www.pickpik.com/coffee-pen-notebook-work-book-caffeine-39

- https://www.livescience.com/social-distancing-wuhan.html

Comments

Popular posts from this blog

Coffee Musings Under the Maple Tree (Part 19)

Coffee Musings Under the Maple Tree (Part 20) - Reflections of Dharmazeus

Actors in Politics