Sa Bawa’t Higop, May Hugot

 


Sa Bawa’t Higop, May Hugot

(Mga pira-pirasong pagninilay karamay ang isang tasang kape)

 

Ø  Kadalasan, ang taong higit na nagmamalasakit at taos-pusong nagmamahal ang siyang lubusang nakakaramdam ng masidhing sakit ng damdamin.

 

Ø  Hindi sana lumaki ang gulo kung nag-uusap ang mga tao.

 

Ø  Katahimikan ay kailangan pero dapat may hangganan upang maiwasan ang di pagkakaunawaan.

 

Ø  Pagpapatawad ay makakamtan ng mga taong tunay na nagmamahalan.

 

Ø  Pagmamalaki – SINO ang tama?

    Pagpapakumbaba – ALIN ang tama?

 

Ø  Pagpapatawad sa kapwa at sa sarili ay tanda ng tunay na kababaang loob at pagmamahal sa Diyos.

 

Ø  Sa bawa’t pagtayong muli mula sa pagkakadapa, ang mahalaga ay ang natutunang aral upang maiwasan na muling matisod sa kabalintunaan ng buhay.

 

Ø  Sa ngayon, masakit ang dulot ng sugat ng kahapon. Dalangin sa Diyos at sa tulong ng ibang taong nagmamahal, bukas-makalawa ang sugat ay maghihilom at ang lumbay ay maiibsan ng panibagong pag-asa.

 

Ø  Muli, nag-iisang humihigop ng mainit na kape, taglay ang alaala na minsang nagmahal at minahal sa kabila ng kakulangan.

 

Ø  Sa Diyos lamang makakamtan ang tunay na pag-asa upang makamtan ang tamang ligaya at pagmamahal. Sapagkat, ang Diyos ay Pag-ibig.

 


Kaalamanan sa larawan:

 

-       https://www.pinterest.fr/pin/491807221780530212/

-       https://www.youtube.com/watch?v=0_snIZ28lVE

Comments

Popular posts from this blog

Coffee Musings Under the Maple Tree (Part 19)

Coffee Musings Under the Maple Tree (Part 20) - Reflections of Dharmazeus

Actors in Politics