Sa Bawa’t Higop, May Hugot - 2
Sa Bawa’t Higop, May Hugot - 2 (Mga pira-pirasong pagninilay kadamay ang isang tasang kape) · Sa muling pagniniig Ng araw sa kanluran Talikdan ang nakaraan Sanhi ng dusa’t luha Sa dilim ng gabi Isaboy ang hinagpis At sa pagsapit ng umaga Liwanag sa Silangan Ligaya sa kanlungan Ng bagong sinisinta Yakap at hali Damhin ang pag-ibig Lasa, mahal kita · Ang nakaraa'y lumipas na. Ang sa ngayo'y naghihintay ang bukas. Kanlungan ng pag-asa Ngiti't tuwa, ibayong ligaya. · mailap ang pagtulog sa gabing maulan bagama't malamig ang hanging dulot ay pag-alala sa nakaraang namaalam at lumipas may ngiti sa labi sa bukas na naghihintay sa panibagong buhay at pag-ibig sa iyo o lasa, ang kasagutan sa dalanging inaasam · Hindi makatulog...